Join MultiplyOpen a Free ShopSign InHelp
MultiplyLogo
SEARCH
Blog EntrySep 1, '07 10:28 AM
for everyone

Ito ay aking compilation. Compilation, meaning, hindi lahat ito ay galing sa akin. Marami dito ang kung saan-saan ko napulot.

Enjoy basahin. Kung Batang 90's ka malamang teen-ager ka ngayon o kaya nasa early twenties. Malamang narerealize mo pa lang na ganito pala ang buhay, ang hirap pala, ang daming problema. Sarap bumalik sa mga panahong bata pa tayo.

-----

BATANG 90'S KA BA?

Masaya ka kapag naglalaro ka ng Tex at Pog. Kadalasan ang design dito ay yung mga palabas sa TV, mga drama o kaya anime, may dialogue pa.

May comics pa ang bazooka. Kahit di mo maintindihan yung Fortune Cookie sa huli ay collection mo pa rin yun.

Uso pa yung tirador, yung gawa talaga sa sanga ng puno.

Ang mga babae naglalaro ng paper dolls na tigpipiso bawat isang set sa sari-sari store.

Kung lalake ka, siguradong may pellet gun ka.

Humihingi ka ng dalawang piso sa magulang mo para maglaro ng video arcade sa sari-sari store. Favorite mo yung Sonic, Mario at Street Fighter.

Nagwa-watusi ka kapag New Year kahit pinapagalitan ka ng nanay mo.

Meron kang sapatos na umiilaw yung swelas kapag iniaapak mo. Mas sikat kung iba-iba yung kulay.

Merong at least isang Chicago Bulls na shirt sa bahay nyo. Madalas number 23 pa yung nakalagay.

Pinapatulog ka ng yaya/nanay mo tuwing tanghali o hapon para raw lumaki. Hindi na kasi pinapatulog ang mga bata ngayon tuwing tanghali di tulad nung panahon natin.

Sinasabihan ka ng matatanda na may lalabas na pari o bigas sa sugat mo kapag hindi nilagyan ng alcohol pero in the end, betadine lang ang magpapatahimik sa inyo.

Kung babae ka, nagkaroon ka ng butterfly hairclips/rings.

Kung medyo may pera ang pamilya nyo, nagpabili ka ng Polly Pocket.

Naglalagay ka ng Kisses (yung mabango) sa pencil case mo, o kaya sa isang lalagyan na may bulak, alcohol at tinutusok ng karayom para mabilis manganak.

May stickers ng Disney movies sa loob ng Maggi noodles.

Pinapatunog mo yung takip ng Gatorade.

Ang mga stationeries na uso: Papemelroti, Tsukuba, Sashikibuta. Pwedeng ibenta, pwedeng trade lang.

Pampalipas oras mo dati ang paglalaro ng Brick Game, at swerte yung mga may advanced version na may tumatagos na blocks para mapuno na yung gap sa loob. Mas advanced ka kung Tamagotchi ang nilalaro mo. Pinapakain mo, pinapatulog mo, at inililibing mo kung namatay na. At kung talagang kaya nyong bumili, Game Boy ang sayo. Pero kung wala ka talaga, yung laruan na lang na may tubig sa loob tapos dapat ma-shoot mo yung mga bilog sa stick na maliit.

Bago magsimula ang klase, nakikilaro ka muna sa 10-20, jackstone, langit lupa, ice water, taguan, dr. quack quack, tumbang preso, pepsi seven up at agawan base. Di bale nang madumi na ang uniform mo pagpasok ng classroom.

Sinasabi mo sa kaklase mo na "Liars go to hell" kapag tingin mo nagsisinungaling sya. "Cross my heart, hope to die" kapag nangangako ka. "Period no erase" kapag gusto mo walang kumontra sayo. Kaya lang wala kang lusot kapag sinabi ng kaklase mo na "Akin yung factory ng pambura".

Sikat ka pag ang pencil case mo nabubuksan sa dalawang side tapos maraming attachments like magnifying lens, book stand, compartments na maliliit tapos push button pa. Minsan sa ibabaw ng pencil case meron pang maze, may maliit na silver na bola tapos itatagilid mo yung pencil case para gumulong yun, hanggang sa matapos yung maze.

Di ka baduy kung ang notebook mo nung elementary ay may mukha ng artista.

Sa coolman mo inilalagay ang tubig na baon mo sa school.

Nagpabili ka ng Baby-G sa magulang mo.

Elementary ka nung nauso ang pager. Yun pa ang pinapangarap ng mga bata, hindi pa cell phone.

Meron ka pa rin ng pinakamalaking cell phone na nakatago na ngayon sa mga kahon.

Wala pang PS/PS2, XBox, Wii, atbp. noon. Family Computer pa lang, yung cartridge yung bala. Usong laro ang Mario Bros., Battle City at Rambo.

Meron ka ng isa sa mga ito: Family Computer, Nintendo, Sega, roller blades, brick game, Tamagochi, Swatch Watch w/ matching guard, Troll collection.

Alam mo ang mga linyang ito sa mga kanta: "Natatawa ako, hi hi hi hi", "Anong paki mo sa long hair ko", "Dahil sa bawal na gamot", "Mga kababayan ko, bilib ako sa kulay ko".

Isa dito ay theme song mo: "I Swear" by All 4 One, "What's Up" by 4 Non Blondes (And I say, Hey ey ey ey ey ey. I said hey, What's goin on!), "Zombie" by Cranberries.

Sumasayaw ka ng Macarena.

Alam mo ang kanta ng Spice Girls at may favorite ka sa kanila. Kung fan ka talaga, may poster ka pa.

Malamang ay naging fanatic ka ng isa sa mga sumikat na boy bands.

Ang tinutugtog lagi sa radyo ay mga kanta ng mga banda gaya ng Eraserheads, Parokya ni Edgar nung nagpapalda pa lang sila, Alamid, Rivermaya, True Faith, The Youth, Afterimage at kung anu-ano pang pinoy bands.

Tape pa ang uso, di CD or MP3 players. Pag gusto mo yung kanta kailangan tantyahin mo kung ilang seconds i-rewind yun para mabilis paulit-ulitin.

Kinakanta nyo dati sa school yung "Heal the World", "Tell the World of His Love", "Jubilee Song", etc.

Nanonood ka dati ng Power Rangers, Captain Planet o Ninja Turtles. Nagkukunyari pa kayo ng mga kaibigan mo na kayo yun at nagkakasipaan kayo.

Di ka papagalitan ng magulang kahit magbabad ka sa TV, basta ang pinapanood mo ay Hiraya Manawari, Bayani at Sine Skwela, kung saan nakilala mo sila Teacher Waki, Ugat Puno, Palikpik, at ang buong barkada nila lalo na kapag nakasakay sila sa space ship o sa jeep na lumilipad.

Sinubaybayan mo ang Ghost Fighter at ang Dragon Ball. Naging favorite mo si Eugene at si Goku.

Niloloko mo yung theme song ng Voltes V kasi di mo maintindihan yung theme song: "Tato ni Ara Mina malaking cobra...", "Boltes Payb lima sila, pumunta sa kubeta...", "...Kontra Bulate!"

Napanood mo din yung ibang anime tulad ng Shaider, Sailormoon, Daimos at Maskman. Saulo mo pa nga yung kanta dun: "Oh maskuman kayo ang pag-asa.. Iligtas kami sa marahas na kadiliman... Kami inyong ipaglaban! Sugod, sugod laban maskuman, ipaglaban nyo ang katarungan.. Sige, sige laban maskuman.."

Sinubaybayan mo ang Sarah ang Munting Prinsesa, Julio at Julia, at Cedi. Pinanood mo pa nga yung movie version ng Sarah ang Munting Prinsesa with Camille Prats.

Alam mo din yung "Ang Pulubi at ang Prinsesa" with Camille Prats and Angelica Panganiban.

Gusto mong sumali sa ANG TV. Pero alam mong hindi na pwede. kaya kuntento ka na lang sa panonood nito tuwing 4:30 ng hapon.

Batibot ang usong palabas. Akala mo nga mag-dyowa o mag-asawa sina Kuya Bodjie at Ate Sheena.

Alam mo yung tono ng pinausong kanta ng show na "ATBP.": Isa.. dalawa-tatlo.. apat-lima.. anim-pito-walo.. syam-sampu... labingisa-labingdalawa... labingtatlo... labingapat-labinglima...

Napanood mo ang Batang X.

Sabay kayo nanonood ng yaya mo ng Marimar.

Nanonood ka ng kahit alin dito: "Okay Ka Fairy Ko", "Oki Doki Doc", "Abangan ang Susunod na Kabanata", "Palibhasa Lalake", "Ober da Bakod", at "Home Along Da Riles".

Galit ka kay Clara kasi sobra naman talaga sya mang-api kay Mara.

Pinanood mo din yung "Villa Quintana", "Esperanza", "Anakarenina" atbp.

Mga love teams na nagpakilig sayo: Juday and Wowie. Jolina and Marvin.

Alam mo yung commercial ng Tender Juicy hotdog na ganito: "Dear diary, Carlo sat beside me today. He's so cute! Sabi niya I'm pretty kaya lang I'm fat."

Kinakanta mo yung "Thank God it's Sabado, pati na rin Linggo..." at "Isa pa, isa pa, isa pang Chicken Joy".

Nasa channel 2 pa ang Eat Bulaga at ang Mel and Jay.

Nakikita mo sa balita na may mga kultong nagtatago na sa kweba, kasi magugunaw na ang mundo sa year 2000, at yung mga computer daw bigla na lang mag-shu-shut down at mawawala na daw ang technology.

Chinese variety shows ang palabas tuwing umaga ng linggo.

Matapang ka kung napanood mo lahat ng Shake, Rattle and Roll movies.

Narinig mong i-announce sa radyo yung death ni Princess Diana. Biglang nauso yung kanta ni Elton John na "Goodbye, England's Rose."

Nasa VHS yung mga movies na pinapanood ninyo sa bahay.

Kung babae ka, naging crush mo si Leonardo di Caprio dahil sa Titanic. Kaya nga lang, bawal ka pa tumingin sa kissing scenes nina Jack at Rose.


21 CommentsChronological   Reverse   Threaded
serjoshua wrote on Sep 1, '07
MAY KULANG!
------>pinapatulog ng yaya/nanay tuwing tanghali o hapon para raw lumaki!
hindi na kasi pinapatulog ang mga bata ngayon tuwing tanghali unlike nung panahon natin!
------>tsaka sinasabihan ka ng matatanda na may lalabas na pari o bigas sa sugat mo kapag hindi nilagyan ng alcohol pero in the end, betadine lang ang magpapatahimik sa inyo..
mawkishgurl wrote on Sep 1, '07
Waha.. Sige idagdag ko nga.
siegalegado wrote on Sep 1, '07
ang kyut!
komee22musika wrote on Sep 2, '07
nakaka2wa nman.... iisa isahin ko ung sa kin jan w8

may comics aq ng bazooka...at di ako kuntento gus2 ko din ung bubble gum na pinaka malaki raw "big boy" hahah

tpos

may pellet gun aq binili ko sa vendor sa tapat ng school nmin...

lahat ng kapit bhay nmin nanonood ng marimar nahawa 2loy kami 2 the point na nanood kami ng concert ni thalia sa araneta...

i have 2 spice girls tapes na pinapatugtog sa casette player at tinatantsa nga kung gaano katagal i rewind or i 4ward...i have posters 2...may
tpos biglang nagkaroon ng backstreet boys na may cd aq...dhil sa song na "everybody"....tpos may nag fifeeling backstreet boys ung "moffats" na nakakabwisit...kasabay nun nauso din ung kanta ng "hanson" na "mmmbop".
nauso din ang mga kanta ng "Aqua" naging dance craze ang "Macarena",,"Vengabus" at ang di ko feel na "Sha la la la la" (clap3x) hahah

tpos naalala ko pinapanood ng lola ko sa 2hod ung mara clara...tpos ipaglaban mo...sa TV di ko pa feel ang mga teleserye nun...

Tpos mka horror na aq nag rerent kami ng mga VHS tpos sa TV nman favorite ko Home Along Da Riles...tpos napanood ko din sa Cable ang mga Shake Rattle & Roll na movies kahit baduy inaabangan ko talagah..tpos pag friday nanonood ako ng "Calvento Files" ung parang maalala ala mo kaya pero 2ngkol sa mga crimes parang bale parang MMK na SOCO heheh...

Nag tatamaagochi aq...
nabigyan aq ng papa q ng nintendo at sega saturn haha angsaya...
naglalaro aq sa gameboy ng Super Mario...tpos mahilig din aq sa tig do dos na ARCADE...nauso pa dahil sa promo ng coke ang "POG" ung mga bilog na cards na hahampasin mo tpos ung bumaliktad sau na...hahah

tpos...

nanonood aq ng mighty morphin power rangers hanggang sa "the movie"...

dba ung kanta ni elton john "Candle in the Wind"?? ung kay princess D??

una kong napanood sa sine "Lion King" hehe tpos kakantahin pala natin ung Circle of Life...heheh may significance pala eh noh??

Ghost Fighter the best!!! tpos un nga ung "Period no erase" pag nag aaway nilalagyan pa ng "Infinite" or "Infinity" para di ka matalo...haha

masayang game ung ice ice water,, taguan,, agawan base,, langit lupa!!! haha ultimate fave!!! nagkaroon pa ng game ung jollibee na may lines na "hhhmmm agg mmmm ah ah...isa pa isa pang chicken joy" something like that na nauso din...

gosh i love the 90's!!!!
komee22musika wrote on Sep 2, '07
hahah kasing haba na halos ng post mo ung reply ko...lol!!! ang sayah!!!!
siegalegado wrote on Sep 2, '07
grabe naman yung reply mo sho. REPLY!
mawkishgurl wrote on Sep 3, '07
oo nga eh.. reply kung reply talaga. nagsawa na kasi ako ang dami kong nakikita na "you're from the 80's if you.." na compilations, kaya eto ang pang mga 90's. haha.

di ko alam yung kay princess d na song, nakuha ko lang kasi yung part na yun sa isang forum. haha.
komee22musika wrote on Sep 3, '07
.... yan na lang para makabawi heheh (reply)
jarkryl wrote on Sep 3, '07
oh, hi!ka-block ako ni rachel s benilde. i really enjoyed reading your blog. wud u mind if i repost it?thanks!!!LOL ^^,
mawkishgurl wrote on Sep 3, '07
jarkryl said
oh, hi!ka-block ako ni rachel s benilde. i really enjoyed reading your blog. wud u mind if i repost it?thanks!!!LOL ^^,
sure! all i want is proper credits (ahm, basta lagay mo na lang na compilation ko yan, baka magalit yung mga original na nag-isip nung iba jan) =D
tsapsuy07 wrote on May 11, '08
uhm.. hi. Sa 'yo pala nagsimula 'to. Ang masasabi ko lang, ang galing mo/niyo! :)) hahaha hanggang ngayon kumakalat ang post mo. irerepost ko rin 'to ah. salamat. =]
mawkishgurl wrote on May 12, '08
eh? talaga? saan naman kumalat? haha!
clovenbunny wrote on Jun 23, '08
pa grab po ha
mawkishgurl wrote on Jun 24, '08
sure. :)
Comment deleted at the request of the author.
dino03 wrote on Dec 15, '08
Nice one, can I repost it?
mawkishgurl wrote on Dec 16, '08
dino03 said
Nice one, can I repost it?
sure. =)
dino03 wrote on Dec 16, '08
Thanks...
menatsu wrote on Oct 28, '09
awww true lahat haha! 'cept for the fortune cookie thing. never experienced that xD Nice blog btw!
bugoychop wrote on Jul 11, '10
saw this post in tumblr. omygaad. this is so 90's. :) wala lang. nakakamiss. :)
lheymhac wrote on Feb 27, '11
ate parepost po aq neto.. lest spread the 90's fever!! hahaha
Add a Comment